ANG PORK BARREL AT ANG BUWIS SA KENDI, TINAPAY AT GASTUSIN SA LISENSYA AT REHISTRO SA LTO

August 19, 2013

porkbarreldownMGA KABABAYAN

ETO PO ANG MGA DAHILAN KUNG BAKIT MAY DULUGANG BAYAN SA AGOSTO 26, LUNES SA LUNETA. KAYO PO AY MALUGOD NAMING INAANYAYAHAN.

ANG PORK BARREL AY BINUBUO NG PARTE NG BINABAYAD NG MGA BATA PAG BUMIBILI SILA NG KENDI AT TINAPAY, MAHIRAP O MAYAMAN. ANG TAWAG DITO AY VAT. ITO AY BUWIS NA PINAPATONG NG MGA NAGBEBENTA NG MGA SA SARI SARI STORE, 7/11 AT SM SUPERMARKET. ANG BUWIS NA VAT AY KINOKOLEKTA NG BUREAU OF INTERNAL REVENUE O BIR. ITO NAMAN AY NIREREMIT O SINUSULIT SA BUREAU OF TREASURY. ANG IBA’T IBANG BUWIS O MGA BINABAYAD NA MGA FEES O GASTUSIN SA LISENSYA AT REHISTRASYON NG SASAKYAN NG BUS, JEEPNEY AT MOTORSIKLO AY KASAMA SA ISINASALIN SA BUREAU OF TREASURY AT ANG MGA ITO AY BUMUBUO NG TINATAWAG NATING KABAN NG BAYAN.

PAG ITO PONG MGA BUWIS AT MGA FEES AY NAIPON SA KABAN NG BAYAN, ANG IBA’T IBANG AHENSYA NG GUBYERNO AY NG SUSUSMITE O NAGBIBIGAY NG KANI KANILANG BUDGET PARA SA SUSUNOD NA TAON. ITO AY BASE SA DATI NILANG GINASTOS AT NAIS NILANG GASTUSIN PA. PAG NALIKOM ANG MGA BUDGET NG BAWAT AHENSYA, ITO AY UUSISAIN NG MGA MAMBABATAS SA KONGRESO AT SENADO. MAGDADAGDAG BAWAS PO ITONG MGA ITO AT MAGLALAAN NG PARA SA PORK BARREL NG PRESIDENTE AT PARA DUN SA KANILA. ANG PERANG PAGKUKUNAN AY DUN SA SINASABI NATING KABAN NG BAYAN AT KUNG KULANG AY UUTANGIN.

SA ISANG MASALIMUOT NA PROSESO, ANG MGA ITO AY IBABAHAGI NG MGA NAPAGLAANAN AT DITO NA NAGSISIMULA ANG KATIWALIAN. SA MADALING SALITA, YUNG PERANG GINUGOL NINYO SA PAGBABAYAD NG MGA BUWIS NUNG BUMILI KAYO NG TINAPAY AT SOPDRINKS SA SARI-SARI STORE O TURO-TURO AY PINAGPARTIPARTIHAN NG MGA MANDARAMBONG SA KONGRESO AT SENADO.

ITONG PERA NA ‘TO AY DAPAT NA NAPUPUNTA SA LIBRENG EDUKASYON NG BAWAT KABATAANG PILIPINO, SA MGA ISTRUKTURANG LABAN SA BAHA, SA MGA DAAN AT TULAY AY PUMUPUNTA LAMANG SA MGA TAONG BINOTO NINYO.

SIMPLE LAMANG PO ANG ADHIKAIN NG MGA PUPUNTA SA LUNETA: IHINTO NA ANG SISTEMA O PROSESO NG PORK BARREL AT MAIPATAW ANG TAMANG KATARUNGAN SA MGA TAONG ILANG DEKADA NA TAYONG KINUKUPITAN NG ATING BUWIS.

SUMAMA PO KAYO AT GAWIN PO NATIN ITO PARA SA MGA SUSUNOD PANG HENERASYON NG MGA PILIPINO.

SALAMAT PO.

A26 N PB MOVEMENT

PDF VERSION HERE: ANG PORK BARREL AT ANG BUWIS SA KENDI

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 39 other followers

%d bloggers like this: